Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

FIBA Asian Qualifiers: Kouame garahe sa 3rd window

0 84

SASABAK ang Gilas Pilipinas na mayroon lamang 11 manlalaro sa ikatlong window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), Sabado.

Una nang inalis si Angelo Kouame sa kompetisyon dahil sa ACL tear.

Kabilang sa koponan ang mga sumabak sa Korea sa dalawang larong friendlies nakaraang linggo na binubuo nina Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars, RJ Abarrientos ng Ulsan, SJ Belangel ng Daegu, Rhenz Abando ng Letran at si Geo Chiu ng Ateneo.

Swak din sina William Navarro, Kevin Quiambao ng La Salle, Dwight Ramos ng Hokkaido, Carl Tamayo ng University of the Philippines, at free agent Lebron Lopez.

Nagbabalik din si Dave Ildefonso ng Ateneo, na hindi nakasama sa two-game friendlies dahil sa ankle injury.

Bitbit ng Gilas Men ang 1-1 panalo-talong kartada sa Group C. Makakaharap nito ang New Zealand Tall Blacks na may 3-0 record sa EventFinda Stadium sa Auckland sa Hunyo 30 bago mag-host sa India na may 0-3 kartada sa SM Mall of Asia Arena sa Hulyo 3.

Ang lahat ng tatlong koponan ay nakatitiyak na ng puwesto sa susunod na round matapos ang diskuwalipikasyon ng South Korea. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.