Una sa Balita

FEU sesementuhan ang unahan

0 273

MULING makikilatis ang Far Eastern University pagharap nila sa University of Santo Tomas sa UAAP Season 81 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch.

Magsisimula ang bakbakan sa alas-1:30 ng hapon, pagkatapos ng paghaharap ng Ateneo de Manila University at Adamson University sa alas-nuwebe ng umaga.
Huling sultada ang De La Salle University at defending champion University of the Philippines sa alas-3:30 ng hapon.

Nanatili sa tuktok ang FEU Tamaraws tangan ang 15 points habang magkasalo sa second place ang Blue Eagles at Green Archers na may tig-13 puntos.

Matapos ang malinis na karta sa unang round, nalasap ng FEU ang unang talo, yumuko sila sa Ateneo, 1-4, noong Huwebes.

Bumawi ang Eagles mula sa 1-2 defeat laban sa Archers, naghabol upang talbosin ang Tamaraws.

Para sa UST, sinimulan nila ang second round na tabla sa De La Salle, 1-1. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy