Una sa Balita

Tres ni Suerte nagpanalo vs La Salle

0 254

BINASURA ng Ateneo De Manila University (ADMU) Blue Eagles ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws, 63-46, para sa malinis na 4-0 kartada sa pagpapatuloy ng eliminasyon kagabi sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ni Angelo Kouame ang Ateneo sa nirehistrong 14 points, 12 boards at 3 blocks.

Hindi rin naman nagpahuli sina Adrian Wong at Thirdy Ravena na gumawa ng 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod, upang bpanatilihing walang mantsa ang Blue eagles.

Walang Tamaraw ang nakaabot sa double figures dahil tanging tig-8 points lang ang ginawa nina Barkley Ebona at Xyrus Torres, habang may parehong 6 markers sina Wendell Comboy at LJ Gonzales.

Sa unang laro, nakamit na sa wakas ng University of the East (UE) Red Warriors ang unang panalo, salamat sa game-winning trey ni Rey Suerte na naghatid sa 89-88 win nila kontra De La Salle University (DLSU) Green Archers.

Lubog ng dalawang puntos, 86-89, nagsalpak ng three-point shot si Suerte sa natitirang 3.2 segundo para ibigay sa UE ang 1-3 panalo-talo kartada.

Tumapos si Suerte ng 31 points, 7 boards at 3 assists upang putulin ang tatlong sunod na talo ng Red Warrios sa liga na may 1-3 karta. Kasama niyang tumulong sina Neil Tolentino at Jem Cruz na gumawa rin ng double-figures sa laro na 19 at 13 points. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy