Una sa Balita

Fetus bumulaga sa babuyan

0 102

NATAGPUAN ang isang fetus malapit sa piggery sa Sitio Lubbot, Brgy. Taligaan, Laoag City, Ilocos Norte noong Martes.

Ayon kay PRO 1-PIO commander Supt. Mary Crystal Piralta, nakita ng isang Joylyn Corpuz, 57-anyos, ng Brgy. 17 ng nasabing siyudad ang nasabing fetus sa piggery na pag-aari ng pamilya Corpuz.

Nakita ang fetus na natatakpan ng mga diaper at eco bag.

Una rito, may nakita umano ang barangay tanod na si Elmer Salvador, na isang pulang kotse sa harapan ng pigery bago natagpuan ang fetus.

Sa pag-aaral na isina­gawa ni city health officer Dr. Renato Mateo, sinabi nitong babae ang fetus na lima o anim na buwan at nasa dalawang araw na umanong patay nang matagpuan.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan ay naili­bing ang fetus sa Chinese ceme­tery matapos ang misa sa Saint William Cathedral.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon kung sino ang nagtapon sa nasabing fetus at kilalanin ang walang puso na ina nito. (Allan Bergonia)