Una sa Balita

Ferrer nagpasiklab agad sa NorthPort

0 271

BAGONG salta pa lang sa NorthPort, nagpabilib agad si Kevin Ferrer para tulungan ang Batang Pier sa 127-99 panalo kontra Blackwater Elite kagabi sa first game ng 2019 PBA Commissioner’s Cup elimination phase sa Cuneta Astrodome.

Isa sa tatlong bagong acquisitions ng NorthPort kasama sina Sol Mercado at Jervy Cruz kapalit ni Stanley Pringle papuntang Barangay Ginebra,­ tumapos si Ferrer ng 23 markers sa likod ng 7-15 field goal, nagsalpak ng limang tres sa 11bitaw, kasama ang 5 boards at 6 feeds, para durugin ang import-less Blackwater..

Hindi nakalaro para sa Elite ang bagong import na si Jameel McKay matapos hindi makakakuha ng permiso kaya naglaro sa ikalawang sunod na pagkakataon ang team na puro locals.

Kinapos ang rookie na si Robert Bolick na nagtala ng triple double sa pagtatala ng 16 puntos, siyam na rebounds at 10 assists habang nagpakitang-gilas din sina Sean Anthony (22 points) Sol Mercado (14) at si Cruz (16) katulong ang import na si Prince Ibeh (14). (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy