Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fernandez patuloy serbisyo sa sports

0 111

TAGUMPAY na maituturing ni outgoing commissioner at PBA legend Ramon Fernandez ang kanyang anim na taong serbisyo sa Philippine Sports Commission (PSC).

“Success!” ang unang sambit ni Fernandez sa panayam ng Abante Sports kahapon, bagaman may kahalong panghihinayang ito, dahil halos apat na taon lamang umano ang naging serbisyo ng PSC Board, sanhi ng pandemya.

“Sayang lang ‘yung two years, wala kaming nagawa because of the pandemic. But we were still able to support our athletes. Kaya lang ‘yung grassroots talaga doon ako nanghihinayang. It was off for two years,” ayon sa tinaguriang “El Presidente” ng PBA.

Siniguro ni Fernandez na hindi matatapos sa kanyang pag-alis sa PSC ang kanyang paglilingkod sa mga kabataan lalo na pagdating sa sports.

Aniya, binuhay niya ang Ramon S. Fernandez Sports and Youth Program na sinimulan niya noong 2018.

Ang nasabing programa ay naglalayong magbigay ng tulong sa mga batang atleta hindi lamang sa larangan ng sports kundi pati na rin sa pag-aaral upang mabigyan ng scholarship.

“I started going around to friends for their support, especially sa grassroots sports. Ito ‘yung mga batang from 13-18 and we have picked 15 sports for individual Olympic sport para i-train ‘yung mga bata and also for scholarship, kasama mga less fortunate na mga kabataan,” kuwento ni Fernandez. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.