Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fernandez napiling Athlete of the Year

0 165

KINILALA ang may dugong Pilipino na si Leylah Annie Fernandez bilang pinakatampok na Bobbie Rosenfeld Awardee sa pagkilala dito bilang Female Athlete of the Year ng Canadian Press sa kanyang magandang 2021 tennis season.

Kuminang ang Canadian flag bearer na may lahing Filipino-Ecuadorian nang ihatid niya ang serye ng mga panalo laban sa mga kampeon patungo sa isang makasaysayang unang Grand Slam finals appearance sa United States Open Tennis Championships.

Simampa ang 19-anyos na si Leylah Fernandez laban sa 18-anyos na si Emma Raducanu ng United Kingdom para sa titulo ng Womens’ Singles noong Setyembre at nagtapos na runner-up sa tour.

Ang maigting na kampanya ni Fernandez sa finals ang pangunahing kuwento na nakakuha ng atensiyon ng mundo.

Umiskor ang unseeded na si Fernandez ng apat na sunod na upset na tagumpay laban sa mga top seed sa New York Grand Slam event na kinabibilangan ng nakakagulat na panalo laban sa No. 3 seed at defending US Open champion Naomi Osaka.

Nanalo din ito sa No. 2 seed na si Aryna Sabalenka ng Belarus, tinalo ang tatlong- time Grand Slam champion No. 16 seed Angelique Kerber ng Germany, at pinatalsik din ang No. 5 seed Elina Svitolina ng Ukraine.

Si Fernandez din ang naging pinakabatang manlalaro na umabot sa semifinals ng US Open Championships sa loob ng 16 na taon mula noong naglaro ang 18-anyos na si Maria Sharapova sa semis noong 2005. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.