Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fernandez lalahok sa SEAG meeting

0 188

AALAMIN ni Team Pilipinas chef de mission Ramon “El Presidente” Fernandez ang lahat ng paraan para maabot nito ang pagtatanggol sa overall title ng bansa sa pagdalo sa unang pagpupulong ng mga pinuno ng delegasyon ngayong umaga sa gaganaping SEA Games chef de mission meeting.

Sinabi ni Fernandz na pangunahing pag-uusapan ang lahat ng mga update kada komite sa isasagawang ika-31 edisyon ng kada dalawang taon na Southeast Asian Games sa muling nabago na plano na dapat sanang face-to-face na pulong subalit gagawin na lamang online.

Ipinaalam ni Fernandez, na isa din sa apat na Philippine Sports Commission (PSC) commissioner, at itinalagang maging pinuno ng delegasyon ng bansa sa SEA Games, na nakatakda ang pagpupulong alas-7:30 ng umaga.

“Malalaman natin ang lahat ng updates mula sa sitwasyon kung matutuloy ba o hindi ang SEA Games at iba pang mga concern, ” sabi ni Fernandez.

Idinagdag pa ni Fernandez na inaasahang pag-uusapan ang mahahalagang update sa chef de mission meeting lalo na sa pagdagsa ng COVID-19 virus sa rehiyon.

Orihinal na itinakda ang 31st SEA Games ay noong Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, 2021 bago inilipat dahil sa paglaganap ng coronavirus sa host na bansa at isasagawa na lamang sa Mayo 12-23 sa Vietnam city ng Hanoi halos apat na buwan na ngayon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.