Una sa Balita

Fernandez inakbayan si Best Regards

By
0 339

IPINAKITA ni class A rider RG Fernandez ang kanyang tikas sa pagdadala ng kabayo matapos nitong ipanalo sa makapigil-hiningang laban si Best Regards sa naganap na Super Hapi-PCSO 3-year-old Stakes race noong Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ipinuwesto ng maganda ni Fernandez si Best Regards upang panoorin ang mga nagbabakbakan sa unahan.

Kinapitan muna ni Forest Cover ang bandera subalit makalipas ang ilang metro ng laban ay humabol na sina My Jopay at kakampi ng winning horse na si Snap Dance na nirendahan ni many-time Phili­ppine Sportswriters Association (PSA) Jockey­-of-the-Year awardee Patricio Ramos Dilema.

Sa huling 600 metro ng laban, inagaw ni Snap Dance ang unahan pero malakas naman ang da­ting ng coupled-entry niyang si Best Regards.

Pagsapit ngNhuling kurba, tangan na nina Best Regards at Snap Dance ang unahan su­balit malakas na rume­remate si Serafina.

Kaya naman walang tigil na kayog at hataw ng latigo ang ibinigay ni Fernandez kay Best Regards upang hindi ito maabutan.

Resulta – kalahating­ kabayo lang ang agwat ni Best Regards kay Serafina. “May lakas pa na natitira si Best regards, magaling talaga,” masayang sabi ni Fernandez.

Naibulsa ngNmay-ari­ ni Best regards ang P300,000 premyo habang napunta ang second place prize P112,500 sa owner ni Serafina.

Terserong dumating­ si Toy For a Bigboy, nakopo ng may-ari nito ang ang P62,500.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy