Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Female starlet pa-booking sa mga politiko

0 345

Nalokah ako sa chika sa akin tungkol sa isang female celebrity noong bago-bago pa lang daw ito sa showbiz. Kasi ba naman, isang araw tumawag daw ito sa store ng isang sikat at international brand ng makeup sa isang mall para sabihing pupunta raw siya at magpapa-trial makeup sa sales staff-makeup artist doon, dahil may pictorial daw siya that day!

Kung tutuusin, puwede naman daw magpa-trial makeup kung sa head office siya tumawag at nag-request para ma-advise sa sales staff-makeup artist na naroroon sa makeup store.

Ang ending, hindi raw pumunta ang starlet para sa libreng makeup for her photo shoot.

Actually, bukod sa chikang ‘yan, may ibang nag-talk show sa akin na dating pa-walk or pa-booking for pleasure diumano naman sa mga mayayamang papah at politiko raw ang starletita bago pa ito pumasok sa showbiz.

Maganda naman talaga kasi ang hitad at flawlessa! Bet ko ang beauty niya, kaya keri ko siyang makahawig, charot! Mukhang medyo nagkalaman lang siya ngayon, pansin ko, noong napanood ko siya saglit sa isang TV show kung saan siya parte.

Kilala na rin siya, kaya kiber na raw siya sa mga pa-sexy role at millions na ang asking price niya for a product endorsement! Kavogue!

SM food to go Banner Ad

May kapangalan at kaapelyido rin siyang mga kapwa artista artista niya.

Janella malambing kay Markus

Ngayong umamin na relasyon sina Janella Salvador at Markus Patterson at buntis nga ang young actress, naalala ko tuloy around mid-last year noong mga panahon na quiet lang sila sa kung anong klaseng relationship ba talaga meron sila, kahit tanungin pa sila paulit-ulit ng mga entertainment press, pero may mga nagchi-chika sa akin na ilang beses daw nakikitang magkasama ang dalawang namamasyal sa Eastwood sa Quezon City.

Minsan daw ay galing sa sinehan ang mag-jowa. Ibang araw naman daw ay tila namamasyal lang sa loob ng mall habang magkatabing naglalakad at magka-holding hands. May pagkakataon din daw na nakadantay ang ulo ni Janella sa balikat at bisig ni Markus, at nakapasok ang arm ng young actress sa braso ng binata habang masaya silang naglalambingan palabas ng mall.

There was even a time na naka-couple shirts o terno pa raw ng suot ang dalawa. Yan ang mga nakarating na chika sa akin noon mula sa isang reliable source na nakakita sa kanila ng ilang beses.

Baka isa kina Janella at Markus ay nakatira sa isang condominium unit sa Eastwood kung saan kasalukuyang nakatira si Kaladkaren Davila at ang Superstar na si Nora Aunor.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.