Una sa Balita

Female singer ‘di na abot ang mga nota

0 376

MARAMING nakakapansin na hirap nang kumanta ngayon ang isang female singer na maraming pinasikat na piyesa. Nu’ng kanyang kapanahunan ay abot na abot niya kahit itaas pa ang tono ng kanyang mga kanta pero ngayon ay halatadong kinakapos na siya.

Mahabang panahon na kasi ang lumipas, hindi kumukupas ang ganda ng boses, pero ang kapasidad ng singer ay nagbabago sa kanyang pagkakaedad.

Kuwento ng aming source, “Napanood ko siyang kumanta nu’ng minsan, hirap na siya sa breathing, naghahabol na siya ng hininga lalo na sa mga high notes.

“Tanggap naman nating nagkakaedad na siya, saka marami na siyang pinasok na iba-ibang mundo, du’n na nga siguro ang concentration niya ngayon kaya napapabayaan na niya ang singing career niya,” napapailing na sabi ng aming source.

Nu’ng minsan namang imbitahan siya sa isang private partry ng isang kaibigan ay ganu’n din ang napansin ng audience. Hirap na nga siyang kumanta.

“So, ang ginagawa niya na lang kapag mga high notes na ang itatawid niya, e, pinakakanta niya ang audience. Bumababa siya sa stage, itinututok niya ang microphone sa pinakakanta niya.

“Ligtas nga naman siya kapag ganu’n, idinidikta na lang niya ang lyrics ng pinasikat niyang kanta, hindi na siya mismo ang kumakanta!

“Kung ganyan na hindi pa rin niya maiwasan ang pagtanggap ng mga invitation, e, kailangan niya pa ring alagaan ang boses niya. Nagbo-vocalizing pa rin dapat siya!

“E, nadagdagan pa ang weight niya, tumaba siya, kaya affected din ang breathing ng singer kapag ganu’n. Huwag niyang kalimutang bigyan ng panahon ang first love niya, ang passion niya, para hindi siya napapahiya sa audience niya.

“Bakit ang ibang mga kasabayan niya, e, kayang-kaya pa rin namang kumanta nang live? Magagaling pa rin sila, kasi nga, e, inaalagaan nila ang career nila!

“Hating-hati na kasi ang mga priorities ngayon nu’ng female singer. Saan ba niya talaga gusto? Sa negosyo, sa pulitika o sa pagkanta pa rin?” tanong-opinyon ng aming impormante.

Jinkee nagbebenta ng mga gamit para sa itinayong foundation

PALAGING bina-bash si Jinkee Pacquiao sa pagkakaroon niya ng mga branded stuff. Milyunan kasi ang halaga ng kanyang mga branded bags, daang libo naman ang halaga ng kanyang mga sapatos, napaka-flaunty raw ng misis ng Pambansang Kamao.

Pero pera naman nila ang ipinambibili ni Jinkee, wala naman silang inaabalang ibang tao para sa kanyang mga granatsa, pinaghihirapan ng kanyang mister sa lona ang ipinambibili ng asawa ng mga kagamitang makapagpapasaya sa kanya.

Pero siguro’y hindi na masyadong aasintahin ngayon ng mga bashers si Jinkee dahil ibinebenta niya na ang mga mamahalin niyang gamit para sa isang makabuluhang proyekto.

Ang bahagi ng pagbebentahan ng kanyang mga pre-owned stuff ay gagamitin nila sa Emmanuel and Jinkee Heart Foundation. Malayo ang mararating ng makakalap nilang halaga, maraming kababayan natin ang matutulungan, isang napakagandang ehemplo.

Siguradong maraming magkakainteres sa mga ino-auction na branded bags and shoes ni Jinkee dahil bagung-bago pa ang kanyang mga nabiling kagamitan.

Baka nga minsan lang niyang nagamit ang mga ‘yun dahil sa dami ng kanyang magagarang gamit. Ang mahalaga ay may pupuntahan ang pagbebenta niya ng mga pre-owned items niya na pangyayamanin.

Isang bag lang ni Jinkee ay sobra pa sa sapat na maging budget ng isang barangay para sa buong taon. Ganu’n katindi ang halaga ng mga branded stuff ng misis ni Senador Manny Pacquiao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy