Una sa Balita

Female personality napagkamalang kasambahay

By
0 1,133

Sa isang five-star hotel na sobrang maingay ang paligid dahil sa mga umaandar na makina ay nagpunta ang isang female personality. Hindi siya magsusugal, may dadalawin lang siyang balikbayang kaibigan na du’n pansamantalang nakatira, marami silang magkakasama.

Kumakaway-kaway sa kanyang mga nadadaanan ang kilalang female personality, may tumatawag kasi sa kanyang pangalan, nakikilala pa rin ng ating mga kababayan ang babaeng personalidad kahit wala siyang make-up.

Kuwento ng aming source, “May mga katabi kaming takang-taka kung bakit kaway nang kaway si (pangalan ng napakasimpleng female personality) sa mga dinadaanan niya.

“Sabi nu’ng isang yayamaning girl, ‘Bakit siya kumakaway, sino ba siya? Bakit maraming nakakakilala sa kanya?’ Sumagot ang katabi niya, ‘Artista kasi siya, product siya ng isang reality show sa isang network.’

“Ayaw maniwala ng girl, kaya may isa pang sumagot, ‘Bukas, kung wala kang gagawin, panoorin mo siya sa show niya sa network. Ibibigay ko sa iyo ang oras ng time slot ng show.’

“Ayaw pa ring maniwala ng sosyaling girl, bakit daw siya naging artista, e, hindi naman siya maganda? Saka ang akala nga raw niya, e, kasambahay ang female personality!” unang kuwento ng aming impormante.

Kinabukasan ay nanood nga ang yayamaning babae ng programa ng female personality para lang patunayan sa kanyang sarili na artista nga ang kaway nang kaway sa hotel nu’ng nakaraang gabi.

Tumawag ang babae sa source, ang kanyang sabi, “Totoo nga! Artista nga pala siya! Sorry naman sa naging comment ko kagabi, nakakaaliw pala siya! Nakakainis lang ‘yung isang co-host niyang masyubang girl, palagi siyang binabara-bara on air!

“Nakakatuwa ‘yung nakita natin kagabi, aliw na aliw ako sa kanya! Next time na makita ko siya uli, e, lalapitan ko na siya, magpapa-picture ako sa kanya!” sinserong komento ng sosyaling babae sa aming source.