Una sa Balita

Female personality mala-mansyon ang puson

0 382

MAY katotohanan pala ang mga kuwentong umiikot tungkol sa kakaibang kaangasan ng isang kilalang female personality na kinasihan lang naman ng kapalaran nang sumikat ang kanyang anak.

Pansin na pansin na pala ng kanyang mga katrabaho ang pagbabago ng ugali ng female personality mula nang mabigyan siya ng programa sa isang network.

Kuwento ng isang source, “Sa totoo lang, forever lang naman siyang starlet kundi sinuwerteng sumikat ang anak niya, ‘no!

“Hindi siya dapat magmaangas dahil extension lang naman siya ng popularity ng anak niya! Ano na ba ang napatunayan niya, meron na ba?

“Kaya huwag siyang nagmamayabang, wala pa siyang proof na may nagawa na siya, ang lahat ng nangyayari sa career niya ngayon, e, dahil lang sa sikat niyang anak!” inis na unang komento ng aming impormante.

Halatang-halata ng kanilang mga katrabaho na sa programang ihino-host nila ng kanyang mga kasamahan ay gusto niyang kabugin ang mga ito.

Patuloy ng aming source, “Nakakaloka siya, kapag dumarating na siya sa studio, e, may maririnig kang mga salitang patungkol sa kanya!

“May nagsasabi, ‘Nand’yan na si Ms. Christmas tress!’ Hindi ‘yun masakyan ng ibang nakakarinig, pero dahil pala ‘yun sa mga alahas niyang iba-iba na nakasalabit sa katawan niya!

“Masabi lang na marami siyang alahas, e, iba-ibang klase ang isinusuot niya! May pearl, may diamond, may gold, may white gold, may kung anu-ano pang bato! Halu-halo! E, para nga pala siyang Christmas treee! Tama pala ang tawag sa kanya ng mga nasa set nila!” tawa nang tawang kuwento ng impormante.

Isa lang ang payo sa female personality ng aming source, “Naku, bago siya magpasabog ng kaangasan niya, e, mag-diet muna siya! Napakalaki niya!

“Sabi nga ng mga becki, e, aanhin mo ang mansiyon kung malaki naman ang iyong puson!” pagtatapos ng aming impormante.

Alden abala sa pag-akyat sa entablado

ANUMANG paninira ang palutangin ng iba ay walang kokontra sa katotohanan na panahon ngayon ni Alden Richards. Kanya ang kasalukuyang oras, nakasentro sa kanya ang kapalaran, kaya walang magagawa ang mga ibinabatong paninira laban sa Pambansang Bae.

Ang pelikulang ginawa nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye, ay kumikita na ngayon nang P1.3 billion. Bilyunan ang pinag-uusapan, hindi daang milyon lang, at ipinalalabas pa rin hanggang ngayon ang kanilang pelikula sa iba-ibang bansa.

Ngayong Pebrero at sa susunod na buwan ay magiging abala sa pag-akyat sa entablado si Alden para tumanggap ng mga parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Sa February 13 ay siya ang hinirang na Best Actor ng GEMS, ang grupong binubuo ng mga propesor, kritiko, guro at estudyante, para sa mahusay niyang pagganap sa seryeng The Gift.

Tunay namang nagpakita ng kakaibang husay sa pag-arte sa seryeng ‘yun si Alden bilang si Sep, ang bulag na niregaluhan ng kapasidad na makita ang mga magaganap pa lang sa pamamagitan ng kanyang mga pangitain, puso na ni Alden ang nagtatawid ng mga dayalog at hindi na ang kanyang bibig.

Sa susunod na buwan ay isa pang Best Actor award ang naghihintay sa kanya mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

At ang pinakamatindi, nakopo nila ni Kathryn Bernardo ang pinakamataas na parangal, ang Phenomenal Stars of Philippine Cinema mula pa rin sa GMMSF.

Hindi ba naman panahon talaga ngayon ni Alden Richards? Mapapagod sa pagkawag ang dila ng mga walang magawa d’yan pero hindi natin maitatago ang katotohanan na kanya ang sentrong entablado ngayon.

‘Yun ang regalo ng kapalaran sa mga artistang mapuso, sa mga personalidad na sobrang magmahal sa kanilang trabaho, sa mga artistang hindi pinagbabago ng kasikatan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More