Una sa Balita

Female personality kakaiba ang ritwal sa sugalan

0 316

May kakaiba palang ritwal ang isang kilalang female persona­lity kapag naglilibang-libang siya at nagtatanggal ng stress sa isang malamig, mausok at mataong lugar.

Hindi naman siya sugarol, maliit lang siyang tumaya sa paborito niyang game, pero palagi siyang pinagkukuwentuhan ng mga nandu’n dahil sa kakaiba niyang drama.

Kuwento ng aming source, “In fairness, kahit nagkakaedad na siya, e, maganda pa rin! Lumaki lang siya, nadagdagan ang timbang niya, pero kabog pa rin niya sa kagandahan ang maraming artista d’yan!

“Kapag pumipindot siya at nabibigyan ng free games, meron siyang inuusal-usal sa harapan ng makina, siya lang ang nakakaintindi ng mga sinasabi niya, may pahawak-hawak pa siya sa machine!

“Pinagtitinginan siya ng mga naglalaro, kasi nga, parang kakaiba ang ritwal niya, nagdarasal siya na parang nagtsa-chant ng kung anu-ano!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Ang nakakatuwa sa kanya ay hindi siya nagdi-disguise, lantaran niyang ipinakikita ang mukha niya sa publiko, hindi siya nahihiyang makita du’n ng mga usisero.

Patuloy ng aming source, “Hindi siya katulad ng ibang persona­lities na nagsusugal na kung anu-anong pagtatago sa image nila ang ginagawa.

“Meron pa ngang isang female personality na nagpepeluka! Yes! Naka-wig siya habang pumipindot, itinatago pa niya ang face niya sa mga nandu’n, palagi niyang isinasabog ang hair niya sa face niya!

“‘Yung female perso­nality na ‘yun ang talagang sugarol dahil gabi-gabi siyang nandu’n, malakas siyang mag-bet, kaya kilalang-kilala na siya sa casino na ‘yun!

“Hindi siya tulad ng female personality na nagtsa-chant, pabarya-barya lang siyang tumaya, nagtatanggal lang siya ng stress.

Nakakaaliw nga ang babaeng ‘yun, tinatawag pa niya ang mommy niya kapag nagpi-free games siya para gabayan siya!

“Kaso, palagi naman siyang olat, mabagal magbigay ng biyaya ang machine, tulad niya rin na mabagal gumalaw at parang pagong kung kumilos!” tawa pa rin nang tawang kuwento ng ­aming source.

Aiko ‘di patatalo sa mga kalaban ni Khonghun

Halos sa Zambales na naninirahan ngayon si Aiko Melendez bilang suporta sa kanyang karelasyong si Mayor Jhay Khonghun na tumatakbong vice-governor ngayon ng probinsiya.

Hindi puwedeng pabayaan ni Aiko si Mayor Jhay, naging mabuti sa kanya ang pulitiko, ang respetong ibinibigay kay Aiko ng kasalukuyang mayor ng Subic ay hindi matatawaran.

‘Yun ang dahilan kung bakit umalma na ang aktres at sinagot ang mga akusasyon sa kanya bilang kabit ng pulitiko, puro patagilid ang upak sa kanya ng babaeng kalaban sa posisyon ng kanyang boyfriend, ginagawa siyang blind item sa social media.

Maganda at maayos ang atake ni Aiko, nagpakilala siya sa umuupak sa kanya, ikinuwento niya rin ang kanilang love story ni Mayor Jhay para mahimasmasan ang bumabanat sa kanila.

Binuhay ni Aiko ang nakaraan. Sinabi niya na bago siya lumundag sa pakikipagrelasyon kay Mayor Jhay ay nagpaimbestiga muna siya kung meron ba siyang matatapakan-masasagasaan kung sakaling maging sila ni Mayor Jhay.

Malinis ang kartadang nakarating sa kanya, naka-file na pala ang annulment papers nito at ng misis, kaya pumayag siyang ma­ging karelasyon ng pulitiko.

Gamit na gamit ang pagkatao ng aktres sa mga upak ng babaeng pulitiko, tama lang ang desisyon ni Aiko na magsalita na, iba na nga naman ang malinaw kesa sa pinagpipistahan siya nito sa social media bilang kabit.

Mukhang payapa na ang kapaligiran ngayon, pero nakahanda pa rin si Aiko Melendez sa mga susunod pang laban, hindi na siya basta mananahimik lang sa mga ibinabato laban sa kanila ng kanyang boyfriend.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy