Una sa Balita

Female personality agresibo sa sex

0 2,258

Hala! Isang gabi ay pinagpistahan sa isang grupo ng mga becki ang isang medyo nagkakaedad nang female personality. Ang tawag nila sa aktres ay Tigang.

Matagal na kasing hiwalay sa kanyang karelasyon ang female persona­lity, wala silang alam kung mula nu’n ay nagka-boyfriend na siya, kaya bagay na bagay raw sa kanya ang pangalang Tigang.

Pero shocking Asia ang mga becki nang makarating sa kanila ang kuwentong may nakakarelasyon naman pala ang sinasabi nilang tigang na aktres. Hindi pala bagay ang pangalan sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Paano nga, e, ku­malat ang balita na nu’ng magka-boyfriend siya, e, nagdadrama pa ang babaeng ‘yun! Kesyo nu’ng nasa hotel na sila ng guy, e, may drama pa siyang patayin kuno ang ilaw dahil hindi na siya sanay sa pakikipagchurvahan!

“Pinatay naman ng guy ang ilaw. Tanging ­liwanag lang ng lampshade ang nakasindi, malayo pa sa kanila, kaya tuloy pa rin ang drama ng girl!

“Sabi niya sa karelasyon niya, ‘Ano ang gagawin natin? Alalayan mo ako, ha? Hindi na kasi ako sanay, parang nakalimutan ko na.’ Namimilipit pa kuno sa kahihiyan ang girl, pero saan ka, nu’ng magsimula na silang lumipad sa kamunduhan, e, na-shock ang lalaki!” pabitin munang kuwento ng aming source.

Ayon sa aming impormante, ang nagpapaalalay pang aktres ang umaatake, ang lalaki pa ang napag-iiwanan dahil sobra ang pagiging agresibo ng girl.

“Ganu’n nga ang nangyari! Ang babaeng namimilipit pa sa sobrang hiya ang nagmamando ng kanilang sexcapade! Hitsura sa kanya ng hineteng lumalaban sa karera dahil siya pa ang sumasakay sa guy! ‘Yun ba ang nahihiya kuno at parang hindi na sanay?

“Kaya tantanan na tayo ng mga kadramahan niya na inosente siya, ‘no! Anong wala na siyang alam, e, lupaypay na ang guy, agresibo pa rin siya?

“Lukring!” nasabi na lang ng aming source sa kanyang pagta­tapos.

Ha! Ha! Ha! Ha!

 

Kapatid ng nanloko kay Kris pinutakti sa socmed

Lumalagok ng apdo ngayon si Attorney Jess Falcis, ang na­kababatang kapatid ni Nicardo Falcis II, ang itinuturo ni Kris Aquino sa mga ihinain nitong asunto na nagnakaw ng pera sa kanyang kaban.

Si Attorney Jess ang pinupupog ngayon sa social media, pinaparatangan siyang mayabang at kunsintidor, dahil todo-todo ang pagtatakip-pagtatanggol na ginagawa niya para sa kanyang kapatid na si Nicko.

Bakit daw kailangang siya ang humarap sa mga press people para pasinungalingan ang mga bintang ni Kris? Bakit siya ang sumasagot, samantalang ni kapirasong karapatan naman ay wala siya, dahil ang nasasakdal ay ang kanyang kapatid?

Bakit daw hindi niya pauwiin si Nicko para ito ang lantarang magdepensa sa kanyang sarili, tutal naman ay ito ang idinemanda ni Kris, hindi si Attorney Jess?

Naiintindihan namin ang pinanggagalingan ni Attorney Jess, isa siyang kapatid na nasasaktan para sa kanyang kapatid, ang dugo ay dugo.

Kahit ano ay kayang tanggapin ni Attorney Jess ngayon dahil nasa mata ng bagyo ang kanyang kuya, kahit salbabidang butas ay yayakapin niya ngayon, para lang malinis niya ang pangalan ni Nicko.

Siya ang humaharang sa mga bira ngayon laban kay Nicko dahil ayon kay Attorney Jess ay may pagbabanta si Kris sa buhay ng kanyang kapatid.

Ilang buwan nang nasa Thailand ngayon si Nicko, hindi man lang humaharap kay Kris, dahil sa takot na kapag umuwi ito ay baka malagay sa alanganin ang kanyang buhay.

Magkaiba ang pananaw namin ni Attorney Jess, ang taong inosente kasi ay kayang-kayang makipagharap sa kahit sino para lang maisalba ang kanyang pangalan at imahe, hindi siya magtatago kahit pa sangkatutak na pagbabanta ang kanyang tanggapin.

Inuunawa namin si Attorney Jess bilang tao at kapatid, pero sa prinsipyo ay magkalaban kami, dahil kahit saang diksiyunaryo hanapin ay senyal ng pagkakasala ang pagtatago.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy