Una sa Balita

Female celeb wais mamili ng kakampi para sa datung

0 580

TAWANAN nang tawanan ang magkakaumpukan isang gabi. Pinagpipistahan kasi nila ang kahenyuhan ng isang pamosong female personality sa paggawa ng mga paraan para siya magkapera.

Nagkakaisa ang lahat sa pagsasabing maparaan talaga ang female personality dahil wala siyang trabaho, kaya natural lang na wala siyang kinikita, pero nabubuhay siya nang masagana.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Kaya n’yo ‘yun? Wala siyang ginagawang project, ha? Wala siyang work, kaya ang tanong, saan siya kumukuha ng panggastos niya sa araw-araw?

“E, maparaan ang lola n’yo, marunong siyang mag-isip, maparaan siya! So, dahil sa galing niyang gumawa ng mga kuwento, kesehodang may mga nasasaktan, e, ginagawa niya!” tawa nang tawang kuwento ng source.

Kasador ang tawag ng grupo sa kilalang female personality, siya ang starter, siya ang pasimuno sa pagkokontrahan ng kanyang mga kadugo.

Isang impormante naman sa umpukan ang nagsabi, “Paano nga, umaasa siya na sa pagkampi niya sa isang party, e, magkakaroon siya ng bundle of joy!

“Bundle kasi kung hatagan siya ng datung ng kinakampihan niya sa away! True, bundle-bundle ang bigay sa kanya ng kaalyado niya sa laban!

“Marunong! Alam niya kung kanino siya papanig sa mga pinalalabas niyang kuwento! Alam niya kung saan siya gaganansiya! Kung saan siya magkakaroon ng datung!

“Kaya kapag wala nang issue, at kapag numinipis na rin ang bundle of joy niya, e, meron na naman siyang inilalabas na bala! Pag-aawayin na naman niya ang magkabilang party, panalo na naman siya!

“Marami siyang hawak na bala, nailabas na nga niya ang ibang video, ‘di ba? Kailangan niya ‘yun para sa kabuhayan showcase niya!

“Pero hanggang kailan niya magagawa ang ganu’n? Matalino ang kinakampihan niyang girl! Kapag nakahalata ‘yun na datung lang ang habol niya, e, ‘yun na!

“Tapos na siya at baka one day, e, sila pa nga ang magkaaway, ‘di ba? Sanay na ang mundo sa kanila, nagkakampihan, nag-aaway-away, may bago pa ba?” pagtatapos ng aming source.

Alden ‘di tumitigas ang leeg

NANG magsabog ng kabaitan, haba ng pasensiya at pagiging mapagkumbaba ang langit ay sobra pa sa sapat lang ang nasambot ni Alden Richards.

Kahanga-hanga ang taong ito. Hindi lahat ng katulad niyang biniyayaan ng magandang career ay nakatapak pa rin ang magkabilang paa sa lupa.

Hindi tumitigas ang kanyang leeg, marunong siyang lumingon sa kanyang pinagmulan, pinahahalagahan niya ang kasikatang hawak niya ngayon pero alam niya kung saan siya nanggaling.

Saludo kami kay Alden Richards sa pagtanggap sa mga ibinabatong negatibong paghusga laban sa kanya. Cool lang siya. Hindi siya pumapatol. Basta ginagawa lang niya ang mga bagay-bagay nang wala siyang sinasaktan at sinasagasaan.

Maganda ang pundasyon ng Pambansang Bae, ibinibigay namin ang kredito nu’n sa kanyang mga magulang, ang naturalesa ng tao anuman ang mangyari ang palaging lumulutang.

Ang pag-arte ay natututuhan, ang pagkanta ay nakikinis, pero ang ugaling bitbit na ng tao mula sa kanyang kamusmusan ay napipino lang pero hindi na nababago.

At ang ipinakikitang ugali ngayon ni Alden Richards ay ‘yun na ‘yun, mananatili na siyang mapagkumbaba, mabait, maunawain, may mahabang pisi ng pasensiya.

Gabi-gabi naming tinututukan ang kanyang seryeng The Gift. Mapuso ang papel na ginagampanan ni Alden bilang si Sep.

Walang ipinagkaiba ‘yun sa kung sino siya sa likod ng mga camera. May mabuting puso. Mapagpatawad. Kaya patuloy siyang bibiyayaan ng kapalaran.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy