Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Female celeb abusada, makapal mukha

0 543

Kinamumuhian ang female celebrity na ito ng kanyang mga kasama sa isang show dahil sa ugali nitong ayaw makihati kapag nagpapabili sila ng pagkain sa set.

May usapan kasi ang cast ng show na tuwing aabutin sila ng late sa set, maghahati-hati sila sa gusto nilang ipa-deliver na pagkain.

Pero ang kasama nilang isang female celebrity na ito ay bigla na lang nawawala kapag ang pinag-uusapan ay ang pag-aambag ng pera sa bibilhing pagkain.

Kapag nangongolekta na, si female celebrity ang parating wala at nasa loob na ito ng kuwarto niya.

“Kakalokah nga ‘yang babaeng ‘yan. Kapag ambagan biglang nawawala. Pero kapag nandiyan na ang pagkain, biglang lumalabas ng kuwarto!” kuwento pa ng source.

Bago raw magpandemya ay ganyan na ang ugali ni female celebrity. At least consistent daw ito sa pagiging kuripot at magulang. At ang lakas pa raw kumain kahit wala syang ambag.

“Ang kapal ng mukha. Kebabaeng tao ang takaw at di man lang nahiya na wala siyang share sa pagkain. Sa susunod na di siya mag-ambag, di namin siya bibigyan ng pagkain. Abusada!” talak ng source. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.