Una sa Balita

Felipe kapit sa Top 10 ng Le Tour

0 301

huwag bibitaw!

LEGASPI City, Albay – Limang Pinoy rider ang sumalo sa top 20 fini­shers sa Stage 4 ng 10th Le Tour de Filipinas na nagtapos sa Rizal Avenue kahapon.

Nirehistro nina Aidan James Mendoza ng NEX Cycling Team, Phi­lippine National team riders Jan Paul Morales at Junrey Navarra at pambato ng 7Eleven Cliqq-Air21 Marcelo Felipe at Dominic Perez ang apat na oras, 29 minuto at 13 segundo sa 176-km. race na pinagwagian ni Jessie Coyle ng Team Nero ­Bianchi, (4:28,21).

Pero tanging si Felipe lang ang nakapasok sa top 10 ng ge­neral classification sa five-stage Category 2.2 event cycling marathon na inorganisa ng Ube Media, Inc.

Kumpulan ang mga siklista sa lead group subalit sa huling 10 kilometro ay kumalas na sina 24-year-old Coyle at Muhammad Shaiful Adlan Shukri Mohd ng Team sapura Cycling.

Nanatiling tangan ni Stage 1 winner Jeroen Meijers ang Purple Jersey dahil nasa tuktok pa rin siya ng general classification tangan ang nalikom na 17 oras, tatlong minuto at 19 segundo may dalawang minuto at 36 segundong lamang sa No. 10 na si Felipe.

May tsansa pang umangat ng puwesto si Felipe kailangan lang niyang makaungos ng oras sa final 138.1 km Stage 5.

Samantala, si Felipe ang Best Filipino rider kaya siya ang magsusuot ng Pink Jersey habang overall sa Best Climber si Pinoy cyclist Jhon Mark Camingao ng PHL National Team. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy