Una sa Balita

Felipe best local rider

0 242

NALAGLAG sa top 10 ng general classification si Marcelo Felipe ng 7Eleven­ Cliqq-Air21 sa katatapos na 10th Le Tour de Filipinas noong Sabado pero hinirang itong Best Filipino rider.

Nasa 10th place sa GC si 23-year-old Felipe matapos ang Stage 4, subalit dumating lang na pang-26 ang tubong Nueva Ecija sa Stage 5 kaya sumemplang ito sa 11th.

“Pinilit ko talaga na mapanatili ang puwesto ko sa top 10 pero naiwan ako,” saad ni Felipe na nakalikom ng 20 oras, 40 minuto at 43 segundo sa  five-stage Category 2.2 event cycling marathon na inorganina ng Ube Media, Inc.

Napahirapan ang mga Pinoy rider ng mga fo­reign cyclists kaya naman walang nakapasok sa kanila sa top 10.

“Dati na sila sa Pro Tour, ibang level na ang kanilang nilalabanan mataas kaya madali lang silang maka-adjust,” saad ni Felipe.

Nagkampeon si Jeroen Meijers ng Taiyuan Miogee Cycling Team, nagwagi siya sa Stage 1 at pagkasuot niya ng Air21 Purple Jersey sa Stage 2 ay hindi na nito hinubad hanggang matapos ang padyakan.

Sunod na sasabakan ni Marcelo Felipe ang National Championship na gaganapin sa Tagaytay, ayon sa kanya babawi siya dito upang makakuha ng qualifying points.

Nasikwat naman ni Jhon Mark Camingao ng Philippine National Team ang Best Climber award habang Go For Gold ang Best Filipino Team. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy