Una sa Balita

Felicity Huffman nakulong, nagpiyansa ng $250,000

0 457

Kabilang ang “Desperate Housewives” star na si Felicity Huffman sa ilan pang celebrities na kinasuhan dahil sa involvement nila sa isang college entrance exam scheme. Ayon sa court documents, Huffman and 13 other celebrities are charged with “conspiracy to commit mail fraud and ho­nest services mail fraud.”

Napag-alaman ng FBI na isang scheme ito para ma-admit ang ilang students sa mga malalaking ivy league colleges tulad ng Georgetown, UCLA, USC, Stanford, University of San ­Diego, University of Texas at Austin, Wake Fo­rest and Yale.

Humarap na ang Golden Globe and Emmy Award winning actress sa Los Angeles courtroom at pinagpiyansa ito ng $250,000 at pina-surrender ang kanyang passport. Haharap si Huffman sa federal court in Boston sa March 29.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy