Una sa Balita

Feelingera ka! Andrea ‘love’ na ang tawag kay Derek

0 636

abante-paistaran-dondon-serminoAy, wala na ngang tago-tago pa sa relasyon nina Andrea Torres at Derek Ramsay, ha! Makikita nga sa mga Instagram story nila ang kanilang lambingan.

Sa IG story ni Derek ay pareho silang nasa van, at nakahiga nga si Andrea sa mga braso ni Derek. Tila waiting sila sa mga eksena nila sa teleseryeng “The Better Woman” ng GMA 7.

“Hey guys, nasaan tayo?” kalmadong bati ni Derek sa mga follower.
At nu’ng i-pan ang cellphone camera niya ay makikita nga si Andrea na nakakumot pa.

“Hi love! Ay hindi pa pala take!” patawa-tawang bati naman ni Andrea kay Derek.

“Love raw! Feelingera! Hahahaha!” reaksiyon ni Derek kay Andrea.
“Nasa script ‘yon!” depensa naman ni Andrea.

“Nasa script ba? Parang wala!” hirit pa ulit ni Derek.

Oh, ‘di ba? Ang sweet nilang dalawa. At habang tumatagal nga, parang nagiging magkahawig na sila, ha!

Parehong moreno, morena sina Derek at Andrea! At pareho rin silang malakas ang sex appeal sa mga boylet, at girlash.

Well….

Faye Lorenzo bagong kinababaliwan ng mga barako

May bago na namang pinagpapantasyahan sa social media, at ‘yon ay ang bagong Kapuso na si Faye Lorenzo.

“Our newest Kapuso hottie Faye Lorenzo will spice up GMA afternoon prime soon! Catch her as Joan on #Madrasta!” ang caption ng Kapuso Instagram sa sexy photo ni Faye.

Reaksiyon nga agad ni Jessica_ababon “Ala Kim Domingo rin cya. Ang sexy at flawless!”

Si Faye ay may dugong Spanish/Filipina, kaya naman lutang na lutang ang kanyang ganda. Bukod sa angking ganda, palaban din sa pagbibilad ng kanyang katawan ang dalaga, ha!

So, ngayong ayaw na ni Kim Domingo na maging pantasya ng kalalakihan, siya na nga ang bagong pantasya ng mga barako, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy