Una sa Balita

Feeling sikat na singer, na-insecure, napahiya sa beteranong singer

By
0 3

Sobrang na-insecure ang papasikat na singer na ito sa isang beteranong singer. Dahil feeling niya ay ‘in’ siya ngayon kaya hiniling niya sa organizer na kung pwede na siya ang gawing pang-finale sa isang libreng mini-concert sa isang probinsiya.

Ni halos ayaw niya niyang makipag-usap sa feeling niya ay Ms. Laos na oldie singer. Kunsabay, hindi naman talaga sila magka-era kaya hindi sila close sa isa’t isa.

So, habang isa-isa nang natatapos ang performances ng ilang so-so guest performers, todo rehearse na ang medyo papasikat na singer na ito dahil ayaw niyang mapahiya onstage.

Samantala, huling dalawang numbers na susunod na ang una sa pangalawang magpi-perform ay ang beteranong singer na  noon ay ang dami talagang hit songs at karamihan ng mga kanta nito ay buhay na buhay pa sa kamalayan ng mga nasa audience hanggang ngayon.

Susunod sa kanya ang feelingerang singer dahil pang-finale nga siya. Ang siste, nang bumanat na ang gurangis na singer ng kanyang mga danceable hit songs, aba, talagang hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw, pagpalakpak at pagsabay sa kanyang mga kanta.

Tatlong kanta bale ‘yun na halos buong kinasasakupan ng audience ay nakakabaliw ang reaksiyon.

Kumbaga nga, kung susundan mo ito ay makakaramdam ka talaga ng hiya dahil sa over-to-the-max na reaction ng tao na pang-finale na ang dating.

Dahil dito, nakiusap ang feelingerang singer sa kanyang booker na kung pwede, isoli na lang nila ang down payment sa organizer at layas na sila kaysa nga naman mapahiya siya dahil puro love songs ang kakantahin. Walang dating ika nga, matapos magsayawan at magsigawan ang mga nasa plaza.

Pinag bigyan naman sila ng organizer at sumibat na sila sa venue habang hindi pa siya gaanong pansin ng mga utaw. Yun kasi, e!