Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Feeling Barbie doll: Ivana iniwasan ng mga taga-Baguio

0 196

Lalong gumanda si Ivana Alawi dahil sa blondina niyang hair.

Lalong lumutang ang ganda ng kanyang mukha, at nagmukha nga siyang Barbie doll.

May iba naman na kinumpara siya kina Bella Poarch, Ariana Grande. Pero, mas marami talaga ang nagsasabing ‘Barbie doll’ ang peg niya.

Anyway, galing nga ang pamilya ni Ivana sa Baguio City, at dinumog talaga siya ng mga tao roon. Hindi talaga maiwasan na kahit saan siya magpunta, dagsa ang mga tao.

Pero, mabuti na lang at marunong din silang sumunod sa social distancing, kaya kahit gustong-gusto nilang yakapin, halikan, magpa-picture sa kanya, hindi nila magawa. Yes, tiniis nila ang gigil nila na lapitan si Ivana, at sumunod sila sa patakaran na iwasan muna ang dalaga.

Siyempre, dagsa rin kasi ang mga security sa paligid, na any moment ay sisitahin ang mga taong nag-uumpukan.

Tila nakuntento na lang sa pagkaway, pag-picture, pag-video kay Ivana ang mga nasa Baguio. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.