Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

FedEx balik-Subic

0 182

Masayang ibinalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling bumalik sa bansa para magbukas ng kanilang operasyon ang kumpanyang FedEx.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na muling bumalik sa Pilipinas ang nabanggit na kumpanya matapos itong umalis at lumipat sa China noong 2009.

Magandang balita aniya ito dahil mangangahulugan ito ng dagdag na pamumuhunan at dagdag trabaho sa mga Pilipino.

“For the good news, again, iyong FedEx is the largest logistics company in the world has returned to the country in Clark after leaving Subic in 2009,” anang Pangulo.

Nagtayo aniya ang nabanggit na kumpanya ng isang world class facility sa Clark para sa isang state of the art cold storage facilities na may kakayahang mag-imbak ng sensitibong kargamento gaya ng bakuna. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.