Una sa Balita

Federer tennis player GOAT na

By
0 1,661

Pinagdedebatehan na kung tamang si Roger Federer na ang dapat tawaging male tennis player Greatest Of All Time.

Anu’t anuman at sang-ayon o hindi na si Federer ang GOAT, tuloy ang fairytale run ng Swiss.

Kinolekta ni Federer ang kanyang 20th Grand Slam title nang dominahin si Marin Cilic 6-2, 6-7 (5), 6-3, 6-3, 3-6, 6-1 sa Australian Open final nitong Linggo.

Sa edad 36, pinakamaraming Slam titles si Federer sa Open era, naka-tatlo sa huling calendar year.

Naka-anim na si Federer sa Rod Laver Arena sa Melbourne, naiyak siya nang tanggapin ang tropeo saksi ang tennis great ding si Rod Laver kung kanino ipinangalan ang court.

Hindi nga naiwasan ni Laver na magpakuha ng larawan katabi ang GOAT.

Si Cilic din ang biktima ni Federer sa Wimbledon final noong isang taon. Pero nasilat ni Cilic ang Swiss sa US Open semis noong 2014.

Maagang napag-impake ang mga mahigpit na karibal na sina Novak Djokovic at Rafael Nadal sa Melbourne ngayong taon, hinawan ni Federer ang mga nakatapat.

“I’m so happy, it’s unbelievable,” gumagaralgal na pahayag ni Federer. “The fairytale continues.”