Una sa Balita

Federer, Djokovic magkaiba ang ruta

By
0 1,536

MAGKASALUNGAT na direksiyon ang tinahak nina Roger Federer at Novak Djokovic sa BPN Paribas Open sa Indian Wells, California nitong Linggo.

Na-delay dahil sa ulan ang match ni Federer, pero bumalik sa court para kalusin si Federico Delbonis, 6-3, 7-6 (6). Noong Sabado, lamang si Federer 6-3, 2-2 nang itigil ang laro 56 minutes pa lang matapos magsi­mula dahil sa ulan.

Abante si Federer, ibinulsa ang panlimang Indian Wells trophy noong isang taon, para harapin si Filip Krajinovic.

Exit na agad si five-time champion Djokovic nang masilat kay 109th-ranked qualifier Tar Daniel, 7-6 (3), 4-6, 6-1.

Nga­yon lang ulit sumalang si Djokovic matapos sorpresahin ni Hyeon Chungat sa Australian Open.

Ito ang pinakama­agang exit ni Djokovic sa Indian Wells matapos masipa sa first round noong 2006.
Kumampay si Marin Cilic sa 7-5, 6-3 panalo kay Marton Fucsovics. 2014 US Open champion si Cilic na biktima ni Federer sa final ng Australian Open nga­yong taon.