Una sa Balita

Federer, Bencic angat kina Williams, Tiafoe

0 362

NANAIG si Roger Federer sa u­nang pagharap nito kontra 23-time Grand Slam winner Serena Williams sa Hopman Cup, Martes nang gabi (Miyerkoles sa Pilipinas).

Pinadapa ng defending cham­pions nina Federer at Belinda Bencic ang tropa ng United States nina Williams at Frances Tiafoe 4-2, 4-3(3) para mapanatili nito ang unang puwesto sa Group B.

Bago pa maganap ang makasaysayang paghaharap ng dalawa, ipinanalo ang kanilang singles match para mapanatili nito ang kampanya sa mixed doubles.
Isa rin aniya ito sa mga pinakaaabangang labanan sa tennis court ng dalawang grand slam champions mula ng 1973 “Battle of the Sexes” sa pagitan nina Billy Jean King at Bobby Riggs.

“It was great fun. What a pleasure. What an honor. Thank you for making it possible. I was nervous returning. People talk about her serve so much and I see why it is such a wonderful serve because you just can’t read it,” wika ni Federer.

Isang magandang karanasan aniya ito para kay Williams at kung siya aniya ang tatanungin ayaw niya itong maitapos.

“I’m sorry it had to finish, I was just warming up. It was such fun, we grew up together. It was super cool. I wanted to take pictures and bring my baby out,” wika ng 23-times Grand Slam.

“This guy is great, both off the court and on the court. I think his serve is super-underestimated. It’s a killer serve, you can’t read it. I watched him all the time and I never knew how amazing it was.”
May dalawang panalo na ang Switzerland sa dalawang laro at makakaharap nito ang Greece habang ang US naman ay makakalaban ang Britain sa Huwebes. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy