Una sa Balita

Federalism, binara

By
0 127

Hindi uubra ang fede­ral form of government sa bansa, ayon kay Sen. Francis Escudero.

Sinabi ito ni Escudero dahil naging palpak na ang eksperimentong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na siyang mo­delo ng sistemang pederalismo.

“Kung hindi natin magawa sa isang lugar ng bansa, bakit natin gagawin sa buong bansa” katuwiran ni Escudero sa isang programa sa radyo.

Aminado naman ang senador na ngayon ang tamang panahon para isulong ang charter change o chacha.

“Kung mayroon tayong gagawing pagbabago, sa unang tatlong taon at hindi sa huling tatlong taon” diin ng senador.

Matatandaan na ang paglipat sa federal form of government ang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit noong tumatakbo pa lang ito sa pampanguluhang halalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy