Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Feb 4 larga COVID bakuna sa mga tsikiting

0 163

Mga bata sa Metro Manila muna ang uunahing bigyan ng COVID-19 vaccine para sa mga edad 5 hanggang 11 na sisimulan sa February 4, ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Batay aniya ito sa COVID vaccine rollout strategy para sa buong bansa.

Sinabi ni Nograles na magiging “phase by phase” ang gagawing diskarte sa pagbakuna sa mga bata.

Ang Metro Manila aniya ang magiging bahagi ng phase 1 na itinakda sa February 4.

“Ito po ay sisimulan na sa February 4, 2022. Phased approach po ito, ang phase 1 ay gagawin sa 24 na lugar sa Metro Manila,” ani Nograles.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 15.56 milyon na mga batang edad 5 hanggang 11 ngayong taon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.