Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

FDA wala pang inaprub na bakuna sa monkeypox

0 201

Nilinaw kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na wala pang inaprubahang bakuna ang Food and Drug Administration (FDA) na puwedeng gamitin laban sa monkeypox.

Sinabi ni Duque sa isang panayam ng Dobol B TV na ang emergency use authorization ng FDA ang legal na basehan para makapasok sa bansa ang mga bakuna laban sa monkeypox.

Sa ngayon aniya, nakikipag-usap pa sila sa World Health Organization (WHO) kung saang bansa maaaring makabili ng bakuna kontra monkeypox bilang paghahanda na rin sakaling kumalat ang naturang sakit sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Duque na inatasan na niya ang Research Institute for Tropical Medicine at ang FDA para maghanap ng mapagkukunan ng bakuna laban sa monkeypox.

Leave A Reply

Your email address will not be published.