Una sa Balita

FDA tutok sa kontaminadong ‘bottled’ tea drink

By
0 3

Minomonitor na ng Food and Drug Administration (FDA) ang gina­wang pag-recall ng Vietnam Ministry of Health sa kilalang bottled tea drink na C2 kasabay naman ng pagtiyak na walang dapat na ipa­ngamba ang publiko dahil nananatiling ligtas ang naturang juice drink na gawa sa bansa.

Ayon kay FDA Officer in Charge Lulu Santiago, kanilang minomonitor kung nakapasok sa bansa ang kontaminadong C2 drink ngunit sa kasaluku­yan ay negatibo naman ito.

Sa panig naman ng mga may-ari ng supermarkets, sinabi ni Stephen Chua, Presidente ng Philippine Amalgated Supermarket Association na handa silang tuma­lima sa anumang iutos sa kanila ng FDA subalit sa ngayon ay wala umanong hakbang pa na iniuutos sa kanila kaya naman nanatiling nasa mga grocery ang C2 drinks at walang pagbawi na nagaganap.

Tinitiyak naman ni Renato Salud, Corporate Affairs Vice President ng Universal Robina Corporation ang manufacturer ng C2 sa Pilipinas na ligtas at nakasunod sa quality standard ang kanilang produkto at walang dapat na ikatakot ang kanilang mga customer.