Una sa Balita

FDA talamak ang katiwalian?

By
0 270

Dapat ay imbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang Food and Drug Administration (FDA) dahil sa ulat ng umano’y katiwalian.

Ang FDA ang siyang nagsusuri sa lahat ng mga gamot na naibebenta sa merkado at ito ang dapat magkontrol dito upang maprotektahan ang interes ng publiko.

Maraming reklamo sa FDA na napakatagal maglabas ng mga permit pero madalas naman ito malusutan o sadyang pinalulusot ng mga peke o walang bisa na gamot.

Purihin natin ang na­ging hakbang ng FDA sa pag alerto nito sa publiko sa isang gamot para sa problema sa kidney.
Sabi ng FDA, hindi dapat bilhin at tangkilikin ng publiko ang EUROCARBON na binebenta sa publiko para panggamot umano sa mga may problema sa kidney .

Ang EUROCARBON ay napatunayan ng FDA na walang bisa at ito ay gawa mula sa China.

Pero ang ipinagtataka lang natin ay bakit natigil at nakuntento ang FDA sa paglalabas ng babala sa mga nagpakalat ng EUROCARBON dapat ay hinabol nito ang mga nasa likod ng pagpapakalat sa merkado.

Dapat ay papanagutin at kasuhan ang mga chinese na nasa likod ng EUROCARBON dahil nakapanloko ito sa maraming tao.

Naglipana rin ngayon ang mga herbal pro­ducts na nakapagtataka rin kung bakit ito pinayagan ng FDA na bagamat ipinangangalandakan ang katagang ‘no approved therapeutic claims’ pero bakit sa mga advertisement ng mga herbal o food supplement ay nakaka­gamot daw sa karamdaman.

Gumagamit ng tinatawag na testimonial o ang mga tao na nagsasali­ta na sila raw ay gumaling sa sakit dahil sa pag-inom ng produkto.

Kung totoong mabisa ang mga food supplement o herbal product na yan ay bakit kaila­ngan pang sabayan ng ehersisyo, sapat na tulog at pagkain ng masustansiya ang pag-inom .

Kung walang isinulong na herbal or food supplement ay mas malusog ang isang tao kung sapat ang pahinga at tulog, kumakain ng masustansiya at nag-ehersisyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy