Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

FDA pumalag sa bintang na red tape ng Kongreso

0 65

Pinabulaanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang bintang na may red tape sa pag-apruba sa mga gamot kontra COVID-19.

Kasunod ito ng pahayag ng ilang kongresista na mabagal umano ang proseso at pag-apruba sa mga permit ng gamot na nakahain sa ahensiya.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni FDA Director General at Health Undersecretary Eric Domingo na may mga polisiya at proseso silang sinusunod para masigurong ligtas at epektibo ang isang gamot.

SM food to go Banner Ad

Hindi aniya puwedeng madaliin ang proseso dahil baka malagay sa peligro ang mga Pilipinong gagamit sa isang gamot.

Bukas aniya ang FDA na ipaliwanag sa mga mambabatas ang ginagawa nilang proseso para mas maintindihan ang ginagawa ng mga eksperto lalo na sa mga gamot na ginagamit sa epektong dulot ng COVID-19.

Sinabi ni Domingo na hindi lamang mga gamot ang kanilang binubusisi kundi kasama rin ang diagnostic kits, disinfectant maging ang mga kagamitang ginagamit ng medical health workers para masigurong ligtas ang mga ito. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.