Una sa Balita

FDA nagbabala sa ‘di rehistradong diabetes pills

By
0 21

Pinayuhan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga taong ‘diabetic’ na mag-ingat sa pagbili at pag-inom ng gamot para sa sakit na diabetes na hindi nakarehistro sa ahensiya.

Sa ipinalabas na Advisory No. 2017-152-A, na inisyu ng FDA, hinimok nito ang publiko sa pagbili at paggamit ng ‘Ye Tianshi Diabetes Pills,’ matapos mapatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA, na hindi ito dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR).

Base sa Republic Act No. 9711, kilala bilang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, pag­lipat, promos­yon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa FDA ay mahigpit na ipinagbabawal.