Una sa Balita

FCCCI atras sa pag-cremate ng Chinese

0 379

TATLONG araw mula nang mamatay ay hindi pa rin umano nake-cremate ang 44-anyos na lala­king Chinese na namatay dahil sa novel coronavirus (nCoV).

Sa pagdinig ng Senado sa nCoV, sinabi ni Health Secretary Francis Duque, una nang nagboluntaryo ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FCCCI) na sila na ang magke-cremate sa katawan ng Chinese subalit umatras ang mga ito.

“The community of FCCCI who initially said they would cremate (the Chinese) and put the ash in whatever crematorium, but unfortunately, they backed out,” pahayag ni Duque matapos tanungin ni Senadora Nancy Binay.

Gayunpaman, may nakausap na silang funeral parlor at sumang-ayon na i-cremate ang bangkay ng Chinese.

“So now we are talking with a funeral parlor that has agreed to the (cremation). We will give you the update,” pagtitiyak pa ni Duque.

Ang 44-nayos na Chinese ang pangalawang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) sa Pilipinas.

Ang nasabing lalaki ay kasamahan ng 38 anyo­s na babaeng Chinese na unang kaso ng bagong nCoV sa bansa.

Pero giit ni Duque, hindi dapat mag-alala ang publiko dahil hindi na makakahawa ang biktima dahil patay na nga ito.

“Sealed body bag ho ito. So kahit na may agam-agam, ‘yung measures ensure that therefore corona virus will not be able to get out,” ayon pa kay Duque. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More