Una sa Balita

FBI ni-raid ang opisina ng abogado ni Trump

By
0 1,014

SINALAKAY ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) nitong Lunes, ang opisina ng personal attorney ni President Donald Trump na si Michael Cohen, kung saan sinamsam ang mga sensitibong dokumento dito, kabilang na ang ebidensiya sa ibinayad na $130,000 sa porn actress Stormy Daniels.

Ang raid ay ginawa bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon ni Special Counsel Robert Mueller, hinggil sa naging partisipasyon ng Russia sa eleksyon sa Estados Unidos noong 2016 na pinagwagian ni Trump.

Agad namang inalmahan ni Trump ang raid sa tanggapan ng kanyang abogado.

Immediate-Hiring-Ads

“This is ridiculous. This is now getting ridiculous,” galit na pahayag ni Trump.

Inangalan din ng abogado ni Cohen ang raid sa kanyang opisina.

“The decision by the U.S. Attorney’s Office in New York to conduct their investigation using search warrants is completely inappropriate and unne­cessary,” ayon sa statement ni Stephen Ryan, abogado ni Cohen.

“It resulted in the unnecessary seizure of protected attorney clients communications between a lawyer and his clients.”