Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

FB queen na: Marian reyna na rin ng TikTok

0 279

Mukhang na-miss din talaga ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang umarte at mag-taping.

Halatang nag-e-enjoy ito ngayon sa kada-taping ng sitcom nila ng asawa, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Bukod dito, nakabuo nga muli si Marian ng bagong set of family sa mga kasama nilang cast sa show. Good vibes lang daw silang lahat at gaya ng mga nauuso rin sa karamihang taping kapag may break, panay rin ang mga sayaw at pa-TikTok nila. At marami ang natutuwa sa kanya sa TikTok, ha!

Sabi nga, aba, Facebook queen na siya, heto at reyna na rin siya ng TikTok, ha! Lalo na siguro kung kakareerin talaga niya ang TikTok, di ba?

Kung totoo ang chika ng source namin, Marian is considering na rin daw to do a teleserye for GMA. Pero nag-iingat pa lang din ito, pero kung magiging maayos naman lahat dahil nga inaalala pa rin ni Marian ang dalawang anak na uuwian niya pagkagaling sa trabaho at talagang magugustuhan nito ang materyal, malaki ang chance na subukan na rin daw ni Marian ang bumalik sa teleserye.

Kung mangyayari ito, siguradong matutuwa ang mga fan niya na matagal na rin nasasabik na mapanood siya sa drama.

Anne losyang, ‘di mukhang artista sa bahay

Napa-throwback si Anne Curtis at ipinost ang mga shirts niya na mga band tees kung tawagin. Mahilig pala si Anne sa mga band tees na ang dami niya raw at sa bahay, gano’n lang daw ang style at makikitang suot niyo.

Malayong-malayo sa fashionable at stylist na si Anne.

Sabi nga niya, “Hi. I’m with the band. Been a few weeks of being dolled up but this is also me—living in my fave band tees—all acquired from seeing them live.  I really miss going to festivals and live gigs. Hopefully next year!”

May payo rin si Anne sa mga millennial ngayon o mga bagets na pakinggan din daw ang mga banda noon tulad ng Red Hot Chilli Peppers, Radiohead, Mazzy Star at iba pa.

“To the younger gen, give them a listen.. these bands are,” saka nilagyan ng explosive heart emoji.

Nag-comment naman ang Mister ni Anne sa post niya na si Erwann Heusaff. Sey nito, “60% of those are mine.”

Na natatawang sinagot ni Anne na, “lol. Unless you wear baby tees?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.