Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

FB ni Sharon tambayan mga pro-Digong

0 1,180

Simula nang magpakita na ang Megastar na si Sharon Cuneta ng disgusto o nang umalma na ito sa itinuturing na “tatay” niya na si President Rodrigo Duterte at “kaibigan” niya na si Mayor Sara “Inday” Duterte, nang ang anak na si Frankie Pangilinan na ang nababastos at bina-bash nang husto ng diumano’y mga DDS o supporters ng Pangulo, nakabantay na yata sa bawat post niya ngayon ang mga ito.

Dahil naka-off ang comment section ng Instagram account niya, sa Facebook page naman ni Sharon ang bagong tambayan ng mga DDS.

Hindi naman maitatanggi na mga supporters ito ng Pangulo dahil open naman sila sa pagdepensa. Lahat ng post ni Sharon, mapa-COVID-19 man o kahit tungkol lang sa aso niya, papasukan at papasukan ng haters or bashers niya.

Nang i-share ni Sharon ang tungkol sa iba’t ibang Asian countries na tulang ng Taiwan, napatigil na raw ang transmission ng Covid-19, Vietnam na napahinto na ang transmission, ang Philippines napatigil ang transmission ng ABS-CBN, tumambay sa FB page niya ang mga bago niyang “friends.”

Walang-duda na during this pandemic, nadagdagan ang bashers at haters niya. Inulan si Sharon ng bashing at hanggang sa panunungkulan ng Tatay niya dati sa Pasay ay inungkat pa ng ilan.

May nagkomento pa rito na, “Tingnan mo yan Shawie, nagiging shallow kase utak mo.”

In fairness, hindi naman na pumatol si Sharon sa mga ito, pero mukhang matatagalan pa bago siya tantanan.

Paolo bawal yakapin sina LJ, 2 anak

Kung kailan may pandemic, saka naman “mabango” si Paolo Contis sa netizens. Ang dalawang pelikula niya na parehong ipinapalabas ngayon sa Netflix ay parehong nagti-trending at nasa popular search.

Hindi man masasabing kumita nang husto noong ipalabas sa mga sinehan, ngayong nasa Netflix na ay ang daming nanonood.

Ang tagal nag-number 1 ng Ang Pangarap Kong Holdap na pinagbibidahan niya at nina Jerald Napoles at Pepe Herrera. Hanggang ngayon, nasa Top 10 pa rin ito ng popular.

Then, ang movie nila ni Alessandra de Rossi, ang “Through Night & Day” ay parang ngayon lang yata pumasok sa kamalayan, lalo na ng ilang millennial na nagsasabing affected sila at naiyak.

Bukod sa mga movies niya sa Netflix, nag-resume na rin siya sa ilang natigil na trabaho dahil sa COVID-19. Ang siste nga lang nag-self quarantine ito at hindi makalapit sa mag-iina niya.

Sabi nga niya sa Instagram post niya, “Missing you all so much… 8 days akong nawala for a shoot. I’m home na (4 days na) pero naka isolate pa ako sa isang kwarto at hindi ko pa sila malapitan, mayakap, mahalikan o mahawakan man lang… just making sure syempre na safe at walang akong nauwing sakit. Kaya sa ngayon, tingin tingin lang muna. I can’t wait na sabay sabay na tayo ulit kumain….”

At sa lahat ng ito, very vocal si LJ Reyes sa pagsasabing proud na proud daw siya sa ama ng mga anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.