Una sa Balita

FB ni Diego Loyzaga puro porno

0 788

Nagparamdam na via Twitter si Diego Loyzaga. Nag-post ito ng isang selfie at nilagyan niya ng caption na “Happy Sunday everyone!”

Bukod sa message na ito, pino-post din ni Diego ang kanyang mga endorsements via Twitter.

Nagbigay rin ng update si Diego tungkol sa kanyang Facebook page na hinack at nilagyan ng mga pornographic materials.

“They’re now posting pornographic materials. @facebook / @instagram please help. This is the URL: facebook(dot)com/officialdiegoloyzaga. They have just made me & my team as ‘analyst’ of the page hence losing all admin privileges,” tweet pa niya.

Nagbukas na rin ng bago niyang Facebook page si Diego.

Mag-iisang taon na sa November noong biglang nawala sa showbiz spotlight si Diego dahil sa balitang nagtangka itong mag-suicide.

Dahil dito ay pinatay ang character niya sa teleserye ng ABS-CBN 2 na “Los Bastardos”.

Noong July 2019, binalita ng kanyang inang si Teresa Loyzaga na maayos na raw ulit si Diego at kung magbabalik ito sa showbiz, siya na raw mismo ang magbabalita nito.

Ayon naman sa tiyahin niyang si Bing Loyzaga, naka-recover na raw si Diego sa naging depression nito, pero wala pa raw itong binabanggit kung ready na itong bumalik ulit sa showbiz. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy