Una sa Balita

FB at IG, karibal ng guro sa estudyante

By
0 137

Pinapurihan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang 11,000 public teachers sa lungsod sa kabila ng mga bagong hamong hinaharap nila ngayong panahon kung saan nagiging karibal nila ang Internet at social media sa pagtuturo sa mga estudyante.

Sa kanyang mensahe sa ginanap na culminating activity ng Division of City Schools Manila para sa World Teachers’ Day noong Biyernes, sinabi ni Estrada na nauunawaan niya ang mga hamong ito ng mga guro sa paggabay sa mga kabataan.

“I know you have been facing a lot of problems and challenges every day, hindi madali ang magturo at magdisiplina sa mga kabataan ng henerasyon ngayon. Mas may panahon sila sa Facebook at Instagram kaysa pag-aaral,” pahayag ni Estrada sa mga public school teachers na nagtipon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Dahil dito kung kaya’t todo rin aniya ang suporta ng pamahalaang lokal sa mga pampublikong guro.

Upang makasabay sa digital age, sinabi ni Estrada na mas ‘hi-tech’ na ang pagtuturo at pamamalakad ng mga pampublikong paaralan sa Maynila sa susunod na taon.

Aniya, magpapatupad sila ng ‘digitized methods of governance’ sa tulong ng bibilhin nilang makabagong kagamitan tulad ng audio-visual systems, LCD projectors with whiteboards, mga desktop computers, copiers, at TVL (technical, vocational, livelihood) tools, sound system, at tablet armchairs sa mga bagong-gawang silid-paaralan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy