Una sa Balita

Fault sa Batangas binabantayan ng Phivolcs

0 364

Bukod sa Bulkang Taal, ­mino-monitor din ng ­Philippine Institute of Volcanology and ­Siesmology (Phivolcs) ang isang fault na naging sanhi ng 4.6 ­magnitude na lindol Linggo ng gabi.

Ayon kay Phivolcs Director ­Renato Solidum, tectonic ang pinagmulan ng lindol at hindi ­volcanic quake.

“Noong April 2017 may ­serye ng mga paglindol sa lugar na ‘yan at ang pagkilos po ng fault na nagdulot ng paglindol kagabi ay ­talagang tectonic, gumalaw po ang fault sa lugar na ‘yun,” paliwanag ni Solidum.

Sa ngayon ay pinag-aaralan ng Phivolcs kung may ugnayan ang naganap na tectonic quake sa ­nagaganap na pag aalburuto ng Bulkang Taal.

Alas-8:59 ng gabi noong ­Linggo naramadaman ang lindol na may lalim na 7 kilometro, ang sentro nito ay sa Mabini, kung saan nakaranas ng Intensity V.

Intensity V ang din sa Bauan. Habang Intensity IV sa Batangas City at Santo Tomas, Batangas; Intensity III sa Malvar, Cuenca, Tanauan, San Pascual at Calatagan.

Gayundin sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, at San Pablo, Laguna. Habang Intensity II sa ­Alfonso, Cavite; San Teodoro at Oriental Mindoro.

Sinundan pa ito ng pitong ­magkakasunud na lindol na ­pawang mga aftershocks, isang 4.0 na lindol ang tumama sa ­Mabini alas-10:02 ng gabi na ­sinundan pa ng maliliit na lindol na may ­magnitude 1.6 hanggang ­magnitude 3.3. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More