Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Father’s Day celebration markado ng trahedya

0 72

Namarkahan ng trahedya ang dapat sana ay masayang selebrasyon ng Father’s Day nang malunod ang isang ama habang ipinagdiriwang ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang nasabing okasyon sa isang resort sa Calauag, Quezon nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Adornado, 49-anyos, residente ng Brgy. Mulay sa nasabing bayan.

Sa report ng Calauag police, nagkakasiyahan ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa nirentahan nilang floating cottage sa Mag-asawang Bato beach resort nang mapansin ng mga ito na wala ang biktima bandang alas-10:30 ng umaga.

Hinanap nila ito hanggang matagpuan ang katawan ng biktima na nakalubog sa tubig malapit sa bakawan. Sinubukan pa umano itong lapatan ng first aid pero binawian na rin ito ng buhay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.