Una sa Balita

Fasting sa mga panabong, napakahalaga

By
0 2,650

MARAMING hindi nakakaalam kung gaano kahalaga ang “Fasting” sa mga alagang manok.

Pwedeng mag-fasting kahit ang manukan ay malaki o maliit, ginagawa ito isang beses sa isang linggo.

Mainam ang fasting dahil nakalilinis ito ng bituka ng manok at napipilitan silang maghanap ng pagkain na magandang epekto para sa panabong, lumalakas pa ang kanilang appetite sa pagkain.

Bukod sa benepisyo ng mga manok, nakakatulong din ang fasting sa mga handler at may-ari ng manok dahil nakakapagpahinga sila at nakakatipid sa mga patuka.

Maraming nagagawa ang mga handler kapag araw ng fasting, karamihan ay itinataon ng Linggo upang makapagsabong.