Una sa Balita

‘Fastest Win’ patok sa LPC

By
0 627

MAAGA ang umpisa ng ikalawang araw ng “Playboy ang Ysabela Fastest Win One-Cock Ulutan” ngayon, Sabado, Mar. 23 sa air-conditioned Las Piñas Coliseum tampok ang 150 entries.

Naiposte ang 141 entries sa unang araw ng sagupaan noong Huwebes sa pasabong na ito nina Cris Casador at Ysabela group.

May magkahiwalay na premyo (Mar. 21 at 23) bukod pa sa premyo para sa fastest win sa combined time.

Sa fastest win ngayon, P40,000 ang premyo at P600 ang entry fee.

Ang premyo sa combined time: (isang entry lang ang gagamitin): fastest win combined time, P10,000; second, P5,000; third, P5,000,fourth, P5,000 at fifth, P5,000.

Inaabangan din ang malaking paderbi ng LPC ngayong summer, ang “Boss Alex 4-Cock Derby” sa Apr. 24 at hindi bababa sa 50 entries ang inaasahan dito.

Sa detalye: 873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) at 0915-3582076 (Julius).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy