Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fashionera sa bag panglakwatsya

0 16

Sa panaginip ko may malaking bag akong nilabas sa cabinet ko tapos nilagyan ko ng mga gamit. Parang aalis ako sa amin nang matagal dahil punong puno ‘yung malaking bag na itsurang maleta na. Tapos lumabas na ko sa amin dala yung bag sa sobrang bigat hinila ko na lang pero nakita ko may gulong na ‘yun so hinila ko palabas ng street namin tapos sumakay ako sa tricycle, pagbaba ko sa tricycle nag-iba na naman ‘yung itsura nung bag naging mamahalin at pati design eh mukhang magara talaga. ‘Di ko nasiguro saan ako napunta nun pero mas nakapokus ako sa bag na dala ko. Tumingin ako sa paligid ko na parang nasa terminal tapos pagtingin ko sa bag iba na naman ang itsura. Ano po kayang gustong ipahiwatig nito?

– Rio

Hindi basta ordinaryong bag ang ginamit mo sa iyong panaginip, dahil partikular ito na maleta na ginagamit natin sa pagbiyahe, na sumisimbolo naman sa emotional baggage na dinadala mo sa kasalukuyan.

Ang malaking maleta ay nangangahulugan na may gumugulo sa isip mo at kung nadala mo ito nang maayos, sinasabi nitong maayos mo ring makokontrol ang emosyon mo ngayon, pati na ang mga responsibilidad at iba pang obligasyon at hindi ito makakaapekto sa iyong hinaharap.

Sinasabi rin ng panaginip mo na gusto mong lumayo sa mga humahadlang sa iyo, at habang nasa journey ka ng sarili mong buhay, kailangan mong organisahin ang pag-iisip. Pwede rin itong mangahulugan na dapat ka nang magbakasyon.

Naging pabago-bago ang itsura at disenyo ng maleta sa panaginip mo kaya sinasabi nito na nasa transisyon ka ngayon, at ang mga problema sa iyong buhay ay unti-unting nabibigyan ng solusyon. Ibig din nitong sabihin ay nakaka-move on ka na mula sa iyong past at patungo ka sa future na wala mang kasiguraduhan ay nakakapagbigay ng saya at excitment sa iyo.

Iba na rin ang point of view mo ngayon dahil maaaring ang mahalaga sa iyo noon ay hindi na importante ngayon. Kaya sa pangkalahatan, ang sinasabi nito ay nasa stage ka ngayon ng pagbabago sa iyong buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Leave A Reply

Your email address will not be published.