Una sa Balita

Fashion designer Michael Leyva gumawa ng hazmat suit para sa mga health worker

0 531

Kanya-kanyang isip ng paraan ang mga kababayan natin kung paano makakatulong sa mga frontliner, lalo na sa mga health worker.

At isa nga ang fashion designer sa nakaisip na gumawa ng kasuotan para sa kanila.

“We are one with this. #teammichaelleyva will be donating PPEs, head covers and masks for our heroes #frontliners.

“MABUHAY po kayo at salamat sa dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan. This wouldn’t have been possible without my team’s dedication and willingness to help. Special thanks to @lineamoderna #bayanihan.
“Stay home, stay safe and we will get through this together.. God will be with us #SinulidContraCovid, #teammichaelleyva, #michaelleyva,” caption ni Michael.

Wala akong idea kung surgical o scrub suit ang ginagawa ni Michael, or yung tinatawang nilang hazmat suit, na puwedeng suutin ng mga health worker para hindi sila basta-basta mahawaan, madikitan o mapasukan ng virus.

At muli, marami na naman ang natuwa para kay Angel Locsin, dahil binalak niyang bumili para ipangtulong sa mga health worker na sa kasalukuyan ay napagpatayuan na niya ng mga tent na air-condition, with matching folding bed na mula sa mga kaibigan niyang artista.

“How much per piece?” tanong ni Angel.

Na sinagot naman ni Michael na; “@therealangellocsin will give you dear ❤️ pra sa mga bayani ntin like you.”

Super touch nga ang mga netizen sa gesture na ito ng fashion designer, pati na ni Angel. Sa pamamagitan nito, sana nga ay mas makaiwas ang mga health worker natin na mahawaan sila ng coronavirus. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More