Una sa Balita

Fashion designer ginutom at kinupitan ang mga modelo

By
0 1,091

Sikat siya dahil sa angking abilidad na pagandahin ang isang babae at lalaki mula sa tinabas niyang damit at accessories.

Pero may na­katatakot palang lihim itong fashion designer sa mga alaga niyang modelo.

Nakarating sa impormasyon ng petmalung spy na si Mang Teban, ginugutom daw ni Mama ang kanyang mga modelo, aba’y kaya pala nanganga­yayat ang mga ­alaga nito, animo’y nangg­aling sa bansang Nigeria kung saan talamak ang malnutrition.

Ang masaklap nito, pumirma sa kontrata ang mga modelo na susuweldo ng $1K pero kahit anino ni George Washington sa $1 bill, hindi nakita ng mga pobreng modelo.

Hindi lang isang beses nangyari ang pambubukol ni fashion­ designer dahil naulit pa raw ito nang ilang beses, aba’y nasarapan yata sa pagbibilang ng dolyares kaya hindi namigay ng grasya si Mama.

Mukhang kasabwat pa raw ng fashion designer ang isang dating nagtatrabaho sa gobyerno sa kanyang kalokohan kaya’t malakas ang loob ng hitad.

Pintahan niyo na. Ang fashion designer na ginutom at ‘di pinasuweldo ang kanyang mga modelo ay may letrang D sa kanyang pangalan as in Didal.