Una sa Balita

Farr, Sangalang, Lee totomain ang SMB

0 254

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — Phoenix vs. NorthPort
7:00pm — SMB vs. Magnolia

REMATCH ng San Miguel Beer at Magnolia sa second game ng PBA Commissioner’s Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Pinag-agawan ng da-lawa ang korona ng Phi-lippine Cup noong May, sinikwat ng Beermen sa sagarang pitong laro.

Itinuloy ng San Miguel ang dominasyon sa all-Filipino, itinaas ang panlimang sunod na kampeonato ng torneo.

Ngayong midseason conference, nakalimang laro pa lang ang magkatunggali, tatlo ang naipanalo ng Hotshots at dalawa sa Beermen.

Isa sa pinakamainit ang Magnolia, inum-pisahan ang confe-rence sa 0-2 bago tinuhog ang tatlong sunod, huling biktima ang Phoenix 99-96 noong Sabado.
Sina James Farr, Ian Sangalang at Paul Lee ang nasa unahan ng atake ng Hotshots sa three-straight wins.

Sa kabilang banda, taas-baba ang kampanya ng Beermen, nagsi-mula sa 0-2 at 2-1 sa huling tatlo. Nilaktawan ng San Miguel ang Alaska 119-107 noong June 21. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy