Una sa Balita

Farmers ayaw sa pagbuhos ng imported; mga economic manager nagpipilit

By ,
0 81

SABLAY para sa grupo ng mga magsasaka ang diskarte ng gobyernong Duterte partikular ang mga tumatayong economic manager kaya nagtataasan ang presyo ng mga bilihin.

Kabilang dito ay ang inilulutang na importas­yon para tugunan ang kinakaharap na krisis sa bigas at iba pang produktong agrikultura.

“The NFA and the DA are going frenzy in importing millions of sacks of rice when our far­mers can produce our local consumption and food needs. Farmers need support services, production subsidies and rural infrastructure to bridge farms to markets,” giit ni dating Agriculture at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Emeritus Rafael Mariano.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Mariano, ang kailangan lamang nila ay ang suporta ng gobyerno at atasan ang National Food Authority (NFA), Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensiya na may kinalaman sa agrikultura na sa halip na umasa sa importasyon ay alamin ang solusyon kung paano mareresolba ang mga pangangaila­ngan ng local producers.

Binigyang-diin ng mga magsasaka ng AMIHAN, National Federation of Peasant Women, fisherfolks ng PAMALAKAYA Pilipinas, at stakeholders ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ipagpapatuloy nila ang pagtutol sa importasyon ng bigas, isda, livestock, poultry at iba pang agricultural product.

Samantala, umaasa ang mga economic ma­nager na kanilang maibababa ang presyo ng mga bilihin sa merkado kapag pinaluwag ang proseso sa importasyon ng mga pagkaing katulad ng bigas, isda at asukal.

“We believe that when the measures take effect, the inflation rate increase will be moderated,” ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, chairman ng Economic Development Cluster ng gabinete.

Nangako na umano ang Department of Agriculture (DA) na mag-iisyu ng ‘certificates of necessity’ para payagang maibenta sa mga palengke sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ang mga imported na produkto.

Pinayagan na rin umano ng National Food Authority (NFA) Council ang importasyon ng limang milyong sako pa ng bigas at para matugunan ang kakapusan nito sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay maglalaan ng 2.7 milyong sako para sa mga nasabing lalawigan.

Nagkasundo rin umano ang mga economic manager na irekomenda kay Pangulong Duterte na mag-isyu ng direktiba para simplehan at maging mabilis ang licensing procedure sa pag-aangkat ng bigas ng NFA.