Una sa Balita

Far Eastern University asa kay Stockton, iba pa

0 294

HIHIGITAN ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws ang kanilang natapos noong nakaraang season papasok sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Nakaabot ang Tamaraws sa top 4 ng torneo nang mapataob ng mga ito ang DLSU Green Archers sa playoff para sa fourth seed.

Ngunit pagdating sa semifinals noong nakaraang Season 81 ay hindi na nakaporma pa ang FEU kontra eventual champs Ateneo Blue Eagles na may tangan ng twice-to-beat advantage.

Magpapatikas sa Season 82 ng FEU ang mga rookie player ng mga ito kabilang na ang foreign student athletes na magpapalakas sa puwersa ng Tamaraws.

Kasama pa rin sina Wendelino Comboy III, Alec Stockton, Kenneth Tuffin at Hubert Cani, raratsada ang mga ito para maiuwi ang kampeonato sa Morayta. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy